Hiniling ng pamahalaan ng South Korea sa Department of Justice (DOJ) na maipa-deport ang tatlo nilang nationals na naaresto sa Pilipinas .
Mismong si Korean Ambassador to the Philippines Kim Inchul ang personal na humiling kay Justice Sec. Jesus Crispin Remulla na maipa-deport ang 3 Korean nationals na nakapiit ngayon sa Bureau of Immigration (BI).
Ang kahilingan para sa deportation ay nauna nang ipinaabot ng consul general ng South Korea sa pamahalaan ng Pilipinas.
Pinuri rin ni Kim ang DOJ sa matagumpay na pagpapatapon sa 4 na Japanese fugitives na sangkot sa malawakang robbery at iba pang kaso sa Japan.
Facebook Comments