Dumating na sa Pilipinas ang 38 cold chain transportation vehicles na pinagkaloob ng South Korea sa Department of Health (DOH).
Bahagi pa rin ito ng pagtulong Korean government sa cold chain management ng Pilipinas sa mga bakuna kontra COVID-19 vaccines.
Parte rin ito ng USD 2.5 million assistance ng Korea sa Pilipinas.
Tumulong din ang South Korea (SoKor) sa pagpapatayo ng molecular laboratory at isolation facility sa Bayawan City, Negros Oriental.
Bukod pa rito ang donasyon ng SoKor na walk-through testing booths at testing kits.
Facebook Comments