Korean national na may-ari ng L300 na umararo sa isang biker sa Taguig, handang sagutin ang pagpapa-ospital sa biktima

Handa umano sagutin ang lahat ng gagastusing medical ng may-ari ng L300 na isang Korean national matapos masagasaan nito ang isang lalaking biker habang papasok ito sa kanyang trabaho bilang isang construction worker.

Ayon kay Sun Lifang ang driver ng L300 at residente ng Taguig, hindi daw nila pababayaan ang biktimang hanggang sa lumabas ito ng hospital.

Pasado alas-6:45 ngayong umaga, nakaladkad si Jun Peruelo, 39-anyos, taga-Taguig, habang sakay ng kanyang bike matapos siyang mabangga ng L300 sa bahagi ng Cayetano Ave., Bridge Brgy. Ligid, Tipas, Taguig City.


Nagtamo ng sugat sa ulo, bali ang kaliwa paa at halos madurog din ang kanyang bike.

Batay sa mga nakasaksi, matulin ang takbo ng L300 dahilan para bumangga ito sa bike na sinasakayan ng biktima at pumailalim pa ito sa L300.

Pagkalipas ng 30 minuto, rumesponde naman ang ambulansya ng Brgy. Ligid, Tipas at agad nabinigyan ng pangunahing lunas ang biktima at dinala ito sa Taguig-Pateros Hospital.

Napag-alaman din na walang drivers license ang nasabing Korean national.

Facebook Comments