Korean national na may kasong illegal recruitment at estafa, naaresto ng PNP-CIDG

Naaresto ng Philippine National Police – Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) Mandaue City Field Unit sa isinagawang manhunt operation ang isang Korean national na may kasong illegal recruitment at Estafa sa Brgy. Pusok, Lapu-Lapu City, Cebu.

Kinilala ang suspek na si alyas “Jung Kwan” 53 taong gulang at nasa listahan ng pulisya bilang Number 9 ‘Most Wanted Person’ sa nasabing lugar.

Ayon sa ulat, ang suspek at kaniyang 3 kasabwat na puro Pilipino ay niloko ang 3 biktima na inalukan ng trabaho bilang housekeeping staff sa South Korea.

Kung saan hiningian ng mga suspek ng tig ₱120,000 ang mga biktima para umano sa pagproseso ng mga dokumento .

Ngunit napag-alaman na walang awtoridad para mag-recruit ang mga nasabing suspek dahilan para kasuhan ito ng illegal recruitment at estafa.

Tiniyak naman ng CIDG na patuloy nilang hahanapin ang mga kriminal, wanted person at mga pugante sa bansa.

Facebook Comments