
Arestado ang 9 na Korean nationals na umano’y sangkot sa loan fraud scheme sa ginawang operasyon ng Bureau of Immigration (BI) at National Bureau of Investigation (NBI)
Ayon sa BI, 2 dayuhan lamang ang target nilang mahuli sa nasabing operasyon ngunit naaktuhan ang mga ito na nagsasagawa ng ilegal na aktibidad gamit ang isang scam platform.
Dito na natuklasan ang mga pre-written script na ginagamit para sa online transaction na nambibiktima sa labas ng bansa.
Samantala, kasalukuyan namang nasa BI warden facility ang mga banyaga at inaayos na ang kanilang deportation proceedings.
Facebook Comments









