Korean Restaurants and Cafes in Metro Manila You Should Check Out

194
IMAGE FROM TIMEOUT.COM

Annyeong! Lalayo ka pa ba kung pwede mo ng maramdaman ang Korea sa Manila?

Halika na at maki-foodtrip sa mga patok na Korean Restaurant na siguradong feeling Oppa ka sa Manila!

Kko Kko

Isa sa mga bago at patok na patok ngayon ay ang Kko Kko kung saan sikat sila dahil sa kanilang Korean-inspired fried chicken.

IMAGE FROM KKO KKO (FACEBOOK)

Kilala ang kanilang dish na Chicken Cheese Fondue, sweet and spicy fried chicken na may kasamang mozzarella cheese, onion rings at French Fries.  Sulit ito sa mga magkakabarkada, dahil ito ay nagkakahalaga lamang ng P685.

 

Samgyupsalamat

IMAGE SAMGYUPSALAMAT (FACEBOOK)

Kung Unlimited Korean Barbeque na swak sa budget naman ang iyong hanap, narito ang Samgyupsalamat. Sa halagang P399 ay ma-eenjoy mo na ang Korean barbeque. Affordable na, Korean feels pa ang ambience dito.




 

Seoul Train

IMAGE FROM SEOUL TRAIN (FACEBOOK)

May kakaibang pakulo naman ang Restaurant na ito, bukod sa masasatisfy ang cravings mo sa Korean BBQ, agaw pansin din ang kanilang Train themed restaurant kung saan feeling bumabyahe ka papuntang Seoul.

Busog ka na sa masasarap na Korean Dishes like Bibimbap, tteokbokki at ang kanilang specialty na premium beef cuts, Busog din ang iyong mata sa ganda ng kanilang Restaurant!

 

Hobing Korean Dessert Cafe

IMAGE ZOMATO: HOBING

Kung dessert naman ang hanap niyo, pwede niyo nang maramdaman ang lamig ng Seoul sa Hobing Korean Dessert Café. Sikat sa kanila ang bingsoo o ang tinatawag na shaved ice.

Meron silang iba’t ibang flavors Strawberry, Mango, Matcha, Blueberry Cheese at ang orginal Redbean Bingsoo, at marami pang iba. Feeling nasa Korea ka for only P145 to P390.

 

 

Article written by May Paraon

Facebook Comments