Korean trader na wanted sa South Korea, nadakip sa NAIA

Nadakip ng Bureau of Immigration (BI) ang isang South Korean national sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) na wanted sa economic crimes sa South Korea.

Kinilala ang dayuhang suspek na si Ahn Youngyong, 54 anyos at naharang ng mga tauhan ng BI sa NAIA Terminal 1 na babiyahe sana patungong Shanghai, China.

Ayon sa BI, mayroong arrest warrant ang suspek mula sa Seoul Court para sa “marketing disturbance”.


Kung saan ay nagpapakalat umano ito ng mga maling impormasyon hinggil sa gamot sa immune anti-cancer, na nakaapekto sa presyo at bentahan nito sa Korea.

Kasalukuyang nasa pasilidad na ng BI sa Taguig ang suspek kung saan siya ay pansamantalang mananatili habang nakabinbin ang kanyang deportasyon.

Facebook Comments