Koreano, arestado ng NBI-7

Cebu City – Inaresto ng National Bureau of Investigation-7 ang isang Korean national na inireklamo ng qualified theft at syndicated estafa.

Ang Korean national na nakilalang si Park Jung Kwan na inaresto ng NBI-7 matapos ireklamo na ilang indibidwal kabilang na dito ang kapwa mga Koryano.

Ayon kay NBI-7 Regional Director Patricio Bernales nasa kustodiya na nila si Park habang nagpapatuloy naman ang imbestigasyon kung magkano ang halaga na nakuha ni Park mula sa mga nagreklamo laban sa kaniya.


Facebook Comments