Korina Sanchez, ipinakilala na ang kaniyang kambal na anak

Ibinunyag ni Korina Sanchez na mayroon na silang kambal na anak ng asawang si dating DILG Secretary Mar Roxas.

Sa isang Instagram post, ibinahagi ni Sanchez ang larawan ng mga paa ng kambal kung saan humingi pa ito ng suhestiyon ng pangalan.

Ipinanganak ang kambal sa pamamagitan ng surrogacy kung saan ibang babae ang magdadala sa kaniyang sinapupunan at magsisilang ng bata, na galing sa punla ng dalawang magulang.


Unang ipinanganak ang lalaki na sinundan naman ng babae makaraan ang isa’t kalahating oras.

Ayon kay Korina, abala siya sa pagpapainom ng gatas sa kambal kada dalawang oras.

Ikinasal noong Oktubre 2009 sina Sanchez at Roxas, at matagal na raw nilang pinagsisikapang magka-baby.

Facebook Comments