Korte, Nagpalabas ng TRO hinggil sa Operasyon ng STL sa Isabela

Cauayan City, Isabela- Hindi na pinayagan ng Sangguniang Panlalawigan ng Isabela ang pagpasok sa Memorandum of Agreement (MOA) ni Governor Rodito Albano III sa pagitan ng provincial government at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) dahil sa ilang ikinokonsiderang dahilan.

Ito ay makaraang magpulong ang Isabela Provincial Task Force on Anti-Illegal Gambling na pinangunahan ni Provincial Administrator Atty. Noel Manuel Lopez sa kapitolyo ngayong araw.

Ayon kay Provincial Information Officer Atty. Elizabeth Binag, nakitaan ng paglabag ang ahensya na pinapangasiwaan ng isang Authorized Agent Corporations na SAHARA na binigyan ng otorisasyon ng PCSO para sa kanilang operasyon.


Aniya, ilang reklamo rin ang nakarating sa sanggunian na hindi umano nagkakaroon ng tamang pagbabayad o insentibo na naibibigay sa empleyado nito maging ang kawalan ng business permit para sa operasyon ng iba’t ibang laro.

Hindi pa rin pinapayagan sa ngayon ang operasyon ng Small Town Lottery (STL) sa Isabela dahilan para manatili ang tigil-operasyon nito na nakagawian na ng ilang taumbayan ang pagtaya dito.

Naghain naman sa korte ng petisyon ang probinsya para sa certiorari at prohibition with urgent prayer for the issuance of writ of preliminary injunction at temporary restraining order (TRO) at kaagad namang nag-isyu ng 72-hour TRO pabor sa hiling ng kapitolyo na tatagal hanggang October 21.

Napagkasunduan naman ng taskforce ang laban sa pagsugpo sa lahat ng uri ng sugal gaya ng jueteng, tong-its, tupada at mahjong.

Nabatid na matagal na panahon ng hindi rin nakakapagbayad ng local tax ang AAC-SAHARA sa provincial government na isa sa dahilan ang pansamantalang pagpapasara nito.

Sinisikap naman ng news team na mahingan ng pahayag ang SAHARA hinggil sa isyu.

Facebook Comments