Korte nagtakda na ng petsa para sa pagdinig ng kasong grave threat laban kay Trillanes

Manila, Philippines – Nagtakda na ng petsa ang Pasay Court para sa pagdinig sa kasong grave threat na isinampa ni Labor Undersecretary Jing Paras laban kay Senator Antonio Trillanes IV.

Gaganapin ng alas-8:30 ng umaga ng February 15, 2019 ang arraignment at preliminary conference.

Sa kautusan na nilagdaan ni Joven Dellosa, acting Presiding Judge ng Pasay Metropolitan Trial Court Branch 47, nakasaad na dapat maghain ng counter affidavit ang kampo ni Trillanes sa loob ng 10 araw pagkatanggap ng order.


Habang bibigyan din nila ng pagkakaton ang prosekusyon na maghain ng reply affidavit sa loob ng 10 araw pagkatanggap ng counter affidavit ni Trillanes.

Samantala, submitted for resolution ang inciting sedition na una nang isinampa ni Paras kay Trillanes sa prosecutions office.

Nabatid na ang kaso ay nag-ugat ng harapang kastiguhin ni Trillanes si Labor Paras sa gitna ng Senate Session Hall.

Sinabi ni Paras, apat na beses siyang pinagbantaan ni Trillanes sa loob lamang ng tatlumpung minuto. Sinabihan aniya siya ni Trillanes na yayariin na, na para sa kanya ang ibig sabihin ay tatapusin o papatayin.

Una naman nang sinabi ni Trillanes, na hindi raw totoo na dinuro niya si Paras at wala siyang ginawang pagbabanta sa buhay nito.

Facebook Comments