Korte sa Taguig, hindi na nagtakda ng hearing sa kaso ng isa pang Hapones na wanted sa Japan

Kinumpirma ni Atty. Merly Pagkalinawan, Clerk of Court ng Taguig Metropolitan Trial Court, branch 166 na sadyang hindi na sila nagtakda ng pagdinig sa kaso ng hapones na si Toshiya Fujita dahil sa kawalan ng hurisdiksyon.

Gayunman, nilinaw nito na nakatanggap sila ng motion to withdraw information noong January 31 mula sa Office of the Prosecution at batay sa court resolution na inilabas nitong February 1 ay kinatigan ito ng korte kaya maikokonsidera ng withdrawn ang kaso.

Pinaboran aniya ang mosyon dahil hindi dumadalo sa mga nakaraang pagdinig ang mga kampo ng private complainant.


Gayunman, nagsagawa pa rin aniya ng masusing pag-aaral ang naturang hukuman at lumitaw na walang nakitang probable cause kaya kinatigan ang mosyon at na-dismiss na ang kasong kaugnay sa light threats.

Ang akusadong si Toshiya Fujita ay isa sa apat na Hapones na matagal ng wanted sa Japan dahil sa serye ng malawakang robbery doon.

Facebook Comments