Korte Suprema at PNP, nagpulong kaugnay ng isyu sa pagpatay sa mga hukom at abogado

Nagsagawa ng virtual meeting ang mga mahistrado ng Korte Suprema at mga opisyal ng Philippine National Police kaugnay ng mga mahahalagang isyu.

Kabilang dito ang sinasabing pangha-harass at pagpatay sa mga abogado at hukom.

Napag-usapan din sa pagpupulong ang hinggil sa paggamit ng mga pulis ng body cameras sa operasyon nito.


Sa nasabing pagpupulong, iniulat din ng PNP sa pangunguna ni Chief Police General Debold Sinas ang progreso ng kanilang pagtugon sa isyu na inilatag ng Korte Suprema hinggil sa seguridad ng mga hukom at mga abogado.

Humihingi rin ang Supreme Court ng report sa publiko hinggil sa mga insidente ng pananakot o pagpatay sa mga huwes at sa mga abogado.

Bukod kay Chief Justice Alexander Gesmundo, present din sa virtual online courtesy call ng PNP ang mga mahistrado ng Katas-taasang Hukuman.

Facebook Comments