Nakatakdang bumalangkas ang Korte Suprema ng framework kaugnay sa paggamit ng Artificial Intelligence (AI) sa pangangasiwa at operasyon ng mga hukuman.
Ayon kay Senior Associate Justice Marvic Leonen, ang AI Governance Framework ay layong magbigay ng standards o panuntunan sa paggamit ng AI.
Ito ang pagbabatayan ng tinatawag na core principles gaya ng reliability, transparency, accountability, fairness, privacy at data protection, human agency and oversights, at seguridad at kaligtasan.
Sabi pa ni Justice Leonen, kinikilala niya ang mahalagang tungkulin ng hudikatura sa pag-interpret ng batas na masiguro ang responsable at ethical na paggamit ng AI.
Una nang sinimulan ng SC ang pilot testing ng AI gaya ng voice-to-text transcription software para sa court stenographers sa Sandiganbayan at ilang piling first-and second-level courts.
May ilang korte na rin ang sinusubukan ang AI-enhanced platforms na dinisenyo naman para i-streamline ang legal research.