Bibili na rin ang Supreme Court ng COVID-19 vaccines para sa buong Hudikatura.
Ito ay matapos na aprubahan sa Court En Banc Session kung saan 19-million pesos ang inilaang pera ng Korte Suprema.
Kabilang sa mababakunahan ang mahigit 30,000 na miyembro ng Judiciary, partikular ang lahat ng justices, judges, mga opisyal at mga empleyado.
Kasunod na rin ito ng rekomendasyon ng Office of Administrative Services (OAS), Fiscal Management and Budget Office (FMBO), at Office of the Court Administrator (OCA).
Ang pondong gagamitin sa pagbili ng mga bakuna ay kukunin sa budget o savings ng Supreme Court, Presidential Electoral Tribunal, Court of Appeals, Sandiganbayan, Court of Tax Appeals at mga mababang hukuman.
Alinsunod sa vaccine procurement protocols, si Chief Justice Diosdado Peralta ay makikipag-ugnayan sa National Task Force (NTF) against COVID-19 at sa Department of Health (DOH) para sa pagbili ng mga bakuna.