Korte Suprema, binigyan ng 10 araw ang DOTr para magkomento sa inihaing TRO ng PISTON sa PUV Modernization Program

Pinagko-komento na ng Korte Suprema ang respondents kaugnay sa inihaing petisyon ng grupong PISTON para tutulan ang PUV Modernization Program.

Ayon kay Supreme Court spokesperson Atty. Camille Ting, may sampung araw ang respondents gaya ng Department of Transportation (DOTr) para magkomento sa prayer for issuance ng inihaing Temporary Restraining Order (TRO) ng mga transport group.

Pinagbibigay rin sila ng update sa kasalukuyang bilang ng mga PUV na nagpa-consolidate sa National Capital Region (NCR) at iba pang bahagi ng bansa batay sa kanilang mga ruta.


Humihingi rin ang SC ng status update sa Local Public Transport Route Plan at Route Rationalization Plan.

Bukod dito, nais din malaman ng Korte Suprema ang status ng mga isinagawang hearing sa Kamara kaugnay sa PUV Modernization Program.

Kanina, nagsagawa ng kilos-protesta ang PISTON at MANIBELA para kalampagin ang SC sa inihaing TRO sa kabila ng pagtatapos ng palugit sa paglahok sa mga kooperatiba noong April 30.

Facebook Comments