Positibo ang nakikita ng COMELEC sa paghahain ng petisyon sa Korte Suprema ni Atty. Romulo Macalintal sa postponement ng Barangay at SK Elections.
Ayon kay COMELEC Chairman Erwin Garcia, panahon na para magkaroon ng interpretasyon sa Saligang Batas kaugnay ng kapangyarihan ng Kongreso sa pag-postpone ng eleksyon.
Iginiit ni Garcia na sakaling magkaron ng ruling ang Korte Suprema hinggil dito, ito na ang magiging basehan sakaling magkaroon muli ng postponement o reset ng halalan.
Kaninang umaga ay dumulog si Macalintal sa Supreme Court upang kwestyunin ang constitutionality ng RA 11935 o ang batas na nagpapaliban sa Barangay at SK Elections.
Facebook Comments