Tiniyak ng Korte Suprema na hindi sila magpapatupad ng shutdown sa hanay ng hudikatura sa harap ng banta ng COVID-19.
Sinabi ni Supreme Court Justice Marvic Leonen, na ito ang napagdesisyunan ng mga kapwa niya mahistrado sa idinaos nilang special meeting kaninang umaga.
Ipinaliwanag ni Leonen, na mayroon kasi silang tungkulin sa publiko kaugnay sa rule of law kahit sa mga oras na may krisis na nagaganap.
Gayunman, aminado si Justice Leonen, na magkakaroon ng adjustment o bahagyang pagbabago sa operasyon ng mga korte, para maikonsidera ang health concern ng publiko maging ang kapakanan ng mga tauhan at empleyado ng hudikatura.
Facebook Comments