Korte Suprema, hindi naglabas ng TRO na pabor sa ABS-CBN

Kinumpirma ng Korte Suprema ang naging unanimous vote ang mga mahistrado ng Supreme Court na huwag magpalabas ng Temporary Restraining Order (TRO) na hirit ng ABS-CBN.

Partikular sa kahilingan ng nasabing network na magpalabas ng TRO sa cease and desist order ng National Telecommunications Commission (NTC).

Sa halip, binigyan muna ng Supreme Court ng pagkakataong mag-komento ang NTC sa Petition for Certiorari and Prohibition ng ABS-CBN.


Binigyan ng Korte Suprema ang NTC ng 10-araw para magsumite ng kanilang komento sa petisyon ng ABS-CBN.

May limang araw din ang network para magsumite ng kanilang sagot sa magiging komento ng NTC.

Pinagko-komento rin ng Supreme Court ang Senado at ang Kamara sa hirit na TRO ng ABS-CBN Corporation sa loob ng sampung araw.

Samantala, ibinasura naman ng Supreme Court ang mosyon ni Atty. Larry Gadon para sa consolidation ng mga petisyon ng network.

Facebook Comments