
Dumulog sa Korte Suprema ang isang pribadong indibidwal kaugnay sa isyu ng umano’y pagpapa-aresto kay Senator Bato Dela Rosa.
Ito ay para hilingin na huwag payagan si Dela Rosa na gamitin ang Senado para magtago sakaling may inilabas nang warrant of arrest ang International Criminal Court (ICC).
Ayon sa petitioner na si Barry Tayam, nauna nang ibinasura ng Kataas-taasang Hukuman ang kaniyang petisyon pero naghain siya ng Motion for Reconsideration upang muling pag-aralan.
Sabi ni Tayam, bagama’t hindi kinukumpirma ng Department of Justice (DOJ) kung may arrest warrant na ay hindi naman masasabi kung kailan ito mailalabas.
Sinegundahan naman ni Tayam ang sinabi ng DOJ kanina na isa ang surrender o pagsuko kay Dela Rosa sa magiging posibilidad sakaling may arrest warrant na.









