Manila, Philippines – Ibinasura ng Korte Suprema na tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) ang first cause of action ni dating Sen. Bongbong Marcos na kumukuwestiyon sa integridad ng eleksyon sa Vice Presidential Post nitong May 2016.
Ang first cause ay ang pagpapawalang-bisa ang proklamasyon ni Vice President Leni Robredo.
Sa inilabas na resolusyon ng kataas-taasang hukuman walang saysay ang hinihingi ng kampo ni Marcos.
Pero paglilinaw ng PET, tuloy pa rin naman ang pag-usad ng electoral protest ni Marcos dahil may nalalabi pa itong second at third causes of action.
Ang second cause of action ay tumutukoy sa manual recount ng mga balota na nilimitahan na lamang sa mga presinto ng Camarines Sur, Iloilo at Negros Oriental.
Ang third cause of action ay tumutukoy naman sa hiling ng kampo ni Marcos na mapawalang bisa ang resulta ng eleksyon para sa pagka-pangalawang pangulo sa mga lalawigan ng Maguindanao, Lanao Del Sur.
Sinabi ni Atty. Romulo Macalintal, Legal Counsel ni Robredo, magandang development ito para sa kanilang panig.
Ayon naman kay Atty. George Garcia, Legal Counsel ni Marcos, handa nilang ilabas ang lahat ng ebidensya para patunayan ang kanilang protesta.