Korte Suprema, ipinag-utos sa Kongreso na ipagpaliban ang pagpapakulong kay Cagayan Gov. Manuel Mamba

Naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na nag-uutos sa dalawang komite ng Kamara at ang House sergeant-at-arms na huwag magpatupad ng mga contempt at detention order laban kay Cagayan Gov. Manuel Mamba.

Nauna nang idinetain ng Kamara si Mamba dahil sa hindi pagdalo sa imbestigasyon.

Pinagkokomento naman ng SC ang House Committees on Public Accounts, and Suffrage and Electoral Reforms at House Sergeant-at-Arms sa loob ng limang araw kaugnay sa petition for certiorari sa contempt at detention orders laban kay Mamba.


Facebook Comments