Inaprubahan na ng Supreme Court en banc ang rekomendasyon ni Court Administrator Atty. Jose Midas Marquez na itaas sa 400 thousand pesos mula sa dating 300 thousand pesos ang limitasyon para sa mga small claims cases na maaring isampa sa mga Metropolitan Trial Court.
Ang rekomendasyon ay unang inilatag sa Supreme Court en Banc session kamakailan ni Associate Justice Diosdado Peralta na syang tumatayong chairman ng Special committee on small claims cases.
Epektibo ang 400 thousand limit na small claims simula sa Abril a-uno ng taong ito
Ang small claims cases ay kailangang maresolba ng korte sa loob lamang ng 30 araw mula nang matanggap ang reklamo
Hindi naman pinapayagan dito ang mga abugado para kumatawan sa nagrereklamo o inirereklamo.
Ayon kay Justice Peralta, ang nasabing hakbang ay inaasahang magpapabilis sa resolusyon ng mga money claims cases at makakatulong para itaas ang antas ng Pilipinas sa Ease of doing business report ng World Bank.
Base sa report ng World Bank ngayong 2019 bumaba sa ika-124 sa ranking ang pilipinas mula sa 2018 rank nito na pang 113 mula sa kabuuang 190 na mga bansang saklaw ng report.