Korte Suprema, kinondena ang pagpaslang sa isang abogado sa Palawan City

Kinondena ng Korte Suprema ang pagpaslang sa isang abogado sa kanyang bahay kahapon sa Palawan City.

Ang nasabing abogado ay si Atty. Joshua Lavega Abrina na napaulat na binaril at pinatay ng isang hindi pa nakikilalang suspek.

Sa ngayon, iniimbestigahan na ng Intergrated Bar of the Philippines (IBP) ang nangyaring insidente.

Nagbigay naman ng direktiba si Acting Chief Justice Marvic Leonen sa Chief Marshal at Deputy Marshal ng Luzon para kontakin ang mga law enforcement agencies para magsagawa ng hiwalay na imbestigasyon at update sa nasabing insidente.

Dagdag pa ni Leonen, binigyan niya rin ng direktiba ang kanilang Court Administrator para utusan ang mga executive judges ng first and second level courts para magsagawa ng group discussions kasama ang IBP Chapters at ang iba pang lawyer organizations sa kani-kanilang territorial jurisdictions.

Layunin ng nasabing konsultasyon na mabigyan ng rekomendasyon ang korte para mapanatili ang kaligtasan ng mga abogado sa bansa.

Facebook Comments