Korte Suprema, kinumpirma na unanimous ang naging botohan sa pagkakabasura sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo

Kinumpirma ng Supreme Court, na umuupo bilang Presidential Electoral Tribunal, na unanimous ang naging botohan sa pagkakabasura sa election protest ni dating Senador Bongbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.

Ayon kay Supreme Court Public Information Chief Atty. Brian Keith Hosaka, sa 15 mahistradong present, 7 ang pumabor sa dismissal, habang 8 ang nagconcurr sa resulta.

Tumanggi naman si Atty. Hosaka na sagutin kung maaari pang iapela ang nasabing desisyon dahil wala aniya siyang hawak na kopya nito.


Tumanggi rin si Hosaka na isapubliko ang 7 mahistradong pumabor sa pagbasura at hindi rin nito binanggit kung sinong mahistrado ang ponente ng desisyon at kung sinu-sino ang mga miyembrong may hawak sa nasabing election protests.

Sa third cause of action ni Marcos na nakapaloob sa election protest, iginiit nito na nadaya siya sa Maguindanao, Lanao del Sur at Basilan, kung saan ang halalan doon apat na taon na ang nakakalipas ay nabahiran aniya ng terorismo, pananakot at nagkaroon ng pre-shading ng mga balota.

Facebook Comments