Korte Suprema, kinumpirmang empleyado nila ang dating pulis na nanakit ng isang biker sa QC

Kinumpirma ng Korte Suprema na empleyado nila ang nag-viral na dating pulis na nanakit ng isang biker sa Quezon City kamakailan.

Sa sertipikasyon na nilagdaan ni Wilhelmina Aileen B. Mayuga, Judicial Staff Head ng Office of Associate Justice Ricardo R. Rosario, kinumpirma ng SC na empleyado nila ang dating pulis na si Wilfredo Gonzales sa ilalim ng opisina ni Associate Justice Ricardo Rosario.

Pero nakasaad sa naturang sertipikasyon na agad na sinibak sa pwesto si Gonzales noong August 27, 2023 nang mangyari ang insidente.


Ayon sa Korte, hindi kinukunsinti ni Justice Rosario ang anumang uri ng karahasan o mapang-abusong pag-uugali.

Facebook Comments