Korte Suprema, magdaraos ng En Banc Session sa Biyernes sa gitna ng ECQ

Magdaraos ng pulong ang Supreme Court En Banc sa darating na Biyernes, April 17, 2020.

Gayunman, hindi binanggit ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Keith Hosaka, ang agenda ng idadaos na En Banc session dahil wala raw detalye hinggil dito.

Pero kamakailan ay may petisyon na inihain sa Korte Suprema na humihirit na pansamantalang palayain ang mga preso na may karamdaman at nakatatanda, sa gitna ng patuloy na banta ng COVID-19.


May isa ring petisyon o Petition for Mandamus na humihiling na maisapubliko ang estado ng kalusugan ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Nitong mga nakalipas na linggo, suspendido ang En Banc sessions ng mga mahistrado dahil sa Enhanced Community Quarantine o ECQ sa Luzon.

Facebook Comments