Iginiit ng Supreme Court (SC) na kailangang mag-ingat sa pagdedesisyon hinggil sa Electoral Protest na inihain ni dating Sen. Bonbong Marcos laban kay Vice President Leni Robredo.
Ang SC ay tumatayong Presidential Electoral Tribunal (PET) hinggil sa protesta ni Marcos sa pagkapanalo ni Robredo noong 2016 National Elections.
Ayon kay Chief Justice Lucas Bersamin, hindi basta-basta ang paglalabas ng desisyon hinggil dito.
Batid nila na nababagalan ang publiko sa pag-usad ng Election Protest pero kailangang gumugol sa revision process.
Dagdag pa ng punong mahistrado, inaasahang magpapasa ng “report” si Associate Justice Alfredo Benjamin Caguioa sa iba pang justices tungkol sa revision.
Si Caguioa ang PET member in charge sa kaso.
Sakop ng revision provess ang manual recount ng tatlong lalawigang pinili ni Marcos: Camarines Sur, Iloilo, at Negros Oriental.
Malalaman sa resulta ng revision kung uusad ang kaso ni Marcos sa natitira pa niyang Contested Clustered Voting Precincts.