Epektibo bukas, September 1 hanggang September 7, 2021, 15% ng workforce lamang ng Korte Suprema ang papasok sa tanggapan.
Sa harap ito ng nakaka-alarmang pagtaas ng kaso ng COVID-19 infections, kasabay ng pagpapalawig ng Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) status sa Metro Manila.
Bunga nito, ang mga tinatawag lamang na essential staff ang obligadong mag-report sa Supreme Court habang ang ibang empleyado ay work from home arrangement lamang.
Ang mga empleyado naman na magre-report physically sa trabaho ay mahigpit na sasailalim sa screening bago papasukin sa gusali.
Layon nito na matiyak na walang COVID-19 positive ang makakapasok sa compound ng Korte Suprema.
Facebook Comments