Korte Suprema, magsasagawa ng summer sessions sa Baguio City

Sinimulan na ng Korte Suprema ngayong araw, April 1 ang tradisyunal na summer sessions nito sa Baguio City.

Ito ay bago ang kanilang recess sa Semana Santa.

Dalawang full court sessions ang nakatakdang gawin bukas, April 2 at April 10.


Ang division sessions ay gagawin tuwing Lunes at Miyerkules.

Sa Mayo naman ay magkakaroon ng month-long decision writing period ang korte.

Ang regular division at full court sessions ay itutuloy sa unang linggo ng Hunyo sa Manila.

Facebook Comments