Korte Suprema, may bago nang mahistrado

124

May bago ng Associate Justice ang Korte Suprema matapos hirangin ni Pangulong Rodrigo Duterte si Court of Appeals Justice Ricardo Rosario bilang kapalit ng nagretirong si Justice Jose Reyes Jr.

Si Reyes ay nagretiro noong September 18, 2020.

Mamayang alas-11:00 ng umaga, manunumpa si Rosario kay Chief Justice Diosdado Peralta.

Si Rosario ay unang naging prosecutor, judge ng Manila Metropolitan Trial Court at Makati RTC bago naging justice ng Court of Appeals.

Si Rosario ay nagtapos sa Ateneo De Manila at siya ay member ng Aquila Legis Fraternity.

Facebook Comments