Korte Suprema, may bagong Associate Justice

Supreme Court

Inabisuhan na ng Office of the President si Court of Appeals Associate Justice Henry Inting na siya ang nahirang na bagong Associate Justice ng Korte Suprema na binakante nang mahirang si Chief Justice Lucas Bersamin.

 

Isa si Justice Inting sa labing-tatlong aspirante  na isinumite ng Judicial and Bar Council sa Malakanyang noong February 15 para sa nasabing posisyon.

 

November 2018 nang italaga ng Pangulong Duterte si Bersamin bilang chief justice kaya nabakante nito ang isang pwesto para sa associate justice ng Supreme Court.


 

 

Si Justice Inting ay nagtapos na cum laude sa Ateneo de Davao University at naging senior corporate attorney ng National Housing Authority Government Corporation noong 1983.

 

Siya ay Naging Supervising Staff Assistant ng Intermediate Appellate Court na ngayon ay Court of Appeals.

 

Naging prosecutor din si Inting sa Quezon City noong 1995 bago siya nahirang   na Presiding Judge ng Quezon City Municipal Trial Court noong 1998.

Facebook Comments