Korte Suprema, may hiwalay na imbestigasyon sa pagkakapatay kay Judge Abadilla

Kinumpirma ni Supreme Court Administrator Atty. Jose Midas Marquez na nagsasagawa ng hiwalay na imbestigasyon ang Korte Suprema sa pagkakapatay kay Judge Theresa Abadilla.

Nire-review na rin ng Korte Suprema ang mga court policy para na rin sa proteksyon ng mga miyembro ng Hudikatura.

Ito ay bagama’t ipinag-utos na ni Justice Secretary Menardo Guevarra sa National Bureau of Investigation (NBI) na magsagawa ang “parallel investigation” kaugnay sa kaso ng pagpatay kay Judge Abadilla.


Ayon kay Guevarra, bagama’t isang “internal issue” ang nangyaring pagpaslang kay Judge Abadilla, inutusan niya ang NBI na siyasatin ito.

Paliwanag ng kalihim, ang krimen ay may implikasyon sa personal na seguridad ng mga hukom at mahistrado sa bansa.

Si Judge Abadilla ng Manila Regional Trial Court Branch 45 ay binaril ng kanyang clerk na si Atty. Amador Rebato nitong Miyerkules lamang at sinasabing nagbaril din sa sarili ang suspek.

Facebook Comments