Korte Suprema, nagbabalang paparusahan ang mga indibidwal na sangkot sa red-tagging at pambabanta sa mga hukom

Nagbabala ang Supreme Court (SC) laban sa mga magtatangkang bantaan at i-red tag ang mga hukom at pamilya nito.

Batay ito sa Administrative Matter na inilabas ng SC kaugnay sa pahayag ni dating NTF-ELCAC spokesperson Lorraine Badoy laban kay Manila Regional Trial Court Presiding Judge Marlo A. Magdoza-Malagar.

Mababatid na si Magdoza-Malagar ang nag-dismiss sa petisyon ng gobyerno na ideklara bilang terrorist group ang CPP-NPA.


Nagpost naman si Badoy sa Facebook noong Biyernes kung saan sinabi nitong walang pinagkaiba kapag pinatay ang naturang hukom bunsod ng kaniyang political belief na dapat patayin ang lahat ng kaalyado ng CCP-NPA-NDF.

Agad namang binura ng dating opisyal ang post nitong Sabado at ipinaliwanag nito na wala siyang balak patayin ang hukom at igniit na hindi pinagbatayan ni Judge Malagar ang 1987 Constitution sa pagbuo nito ng desisyon.

Matatandaang noong nakaraang taon lamang ay na-red tag din si Mandaluyong RTC Judge Monique Quisumbing-Ignacio matapos ibasura ang illegal possession firearms charges laban sa mga journalist activists na sina Lady Ann Salem at Rodrigo Esparago.

Samantala, iimbestigahan na ng Philippine National Police (PNP) ang isyu na kinakaharap ni Badoy.

Facebook Comments