Korte Suprema, nagbigay ng paglilinaw sa paglipat ng kaso ni Alice Guo sa Valenzuela

Nilinaw ng Korte Suprema na hindi galing sa kanila ang request na ilipat ang kaso ng sinibak na alkalde ng Bamban na si Alice Guo.

Ayon kay Supreme Court Spokesperson Atty. Camille Ting, ang paglilipat ay ginawa alinsunod sa Office of the Court Administrator Circular No. 10-2024.

Patungkol ito sa guidelines kapag ang isang akusado ay local official.


Sa ilalim nito, ililipat ang kaso sa pinakamalapit na Regional Trial Court (RTC).

Sa kaso aniya ni Guo ay ang Valenzuela ang pinakamalapit na Judicial Region mula sa Capas.

Kaninang umaga nang ianunsiyo ni Senator Francis Tolentino na inilipat sa Valenzuela City RTC ang kasong graft na kinakaharap ng sinibak na alkalde.

Facebook Comments