Korte Suprema, nagdiriwang ng 117th Anniversary ngayong araw

Manila, Philippines – Ipinagdiriwang ngayong Araw ng Korte Suprema ang ika-isandaan at labing-pitong taong anibersyo.

Gayunman ay nilinaw ng Supreme Court Public Information Office na sa June 11 pa ang eksaktong araw ng anibersaryo pero hindi na ito nagpaliwanag kung bakit ngayong araw ito ipinagdiwang.

Ang nasabing okasyon ay may temang, Isang Lahi, Isang Diwa, Isang Hudikatura.


Ang mga aktibidad ay idinaraos ngayon sa Supreme Court Quadrangle, Old Building.

Sinimulan ang selebrasyon sa pagdaraos ng banal na misa na dinaluhan ng mga empleyado, mga opisyal ng Korte Suprema, at mga bisita mula sa ibat-ibang sangay ng Hudikatura.

nakatakda namang magbigay ng kanyang mensahe si acting Chief Justice Antonio Carpio mamayang 1:30 ng hapon.

Facebook Comments