Korte Suprema, naghahanda na para sa paglalabas ng 2024 Bar Exam result

Naghahanda na ang Korte Suprema sa paglalabas ng resulta ng 2024 Bar Exam ngayong araw.

Naglatag na ng stage sa mismong compound SC kasabay ng paglalagay ng dalawang malaking LED screen.

Bukod dito, mahigpit na seguridad ang ipinapatupad sa loob at labas ng Korte Suprema kung saan inaasahan na dadagsa ang mga kumuha ng exams at kaanak ng mga ito.


Magpapatupad din ng dress code sa loob ng compound ng SC kung saan bawal ang mga naka-tsinelas, maiikling shorts o palda, at mga sleeveless na damit.

Nasa higit 10,000 ang kumuha ng exams na idinaos ng tatlong beses sa iba’t ibang testing centers at malalaman na mamayang tanghali kung sino ang magiging top 10 na pumasa sa Bar.

Ngayon pa lamang ay nagpa-abot na ng pagbati si Supreme Court Associate Justice Marvic Leonen para sa mga aspiring lawyer.

Aniya, anuman ang resulta ng Bar Exam, ang mga pumasa ay manatiling maging mapagkumbaba at pagsilbihan ang taumbayan.

Facebook Comments