Korte Suprema, naglabas ng panuntunan sa naturalization ng refugees sa harap ng giyera ng Russia at Ukraine

Sa harap ng giyera sa pagitan ng Russia at Ukraine, inilunsad ng Supreme Court (SC) ang mga panuntunan sa pag-facilitate ng naturalization ng refugees at stateless persons.

Ayon kay Associate Justice Ramon Paul L. Hernando Chairperson, Special Committee on Facilitated Naturalization for Refugees and Stateless Individuals, napapanahon ang naturang rule dahil na rin sa kaguluhan sa buong mundo.

Sinabi ni Hernando na ito ang kauna-unahan sa buong mundo na naglalayong matulungan ang nationals na umaalis sa kanilang mga bansa dahil sa kaguluhan.


Base sa Article 34 ng 1951 Convention Relating to the Status of Refugees at ang 1967 Protocol at Article 32 ng 1954 Convention Relating to the Status of Stateless Persons, ang Pilipinas bilang State Party ay maaaring tumanggap at mag-facilitate sa assimilation at naturalization ng refugees at stateless persons.

Inaatasan din nito ang bansa na pabilisin ang naturalization proceedings at maibaba ang mga charges at bayad sa proceedings.

Facebook Comments