Pinagpapaliwanag ng Korte Suprema ang Department of National Defense (DND), the Armed Forces of the Philippines (AFP) at National Intelligence Coordinating Agency (NICA) hinggil sa di umano’y pagkawala ng dalawang aktibista noong May 3.
Kasunod ito ng paggawad sa petisyon na writ of amparo na inihain ng mga pamilya ng aktibista at miyembro ng Kilusang Mayo Uno (KMU) na sina Elizabeth Magbanua at Alipio Juat na napaulat na dinakip ng militar sa Valenzuela
Dahil dito, binibigyan ng 72 oras o tatlong na magbigay ng kumento sina AFP Chief of Staff Lt. General Bartolome Vicente Bacarro, DND officer-in-charge Jose Faustino Jr., NICA director general Ricardo de Leon, Army commanding general Lt. Gen. Romeo Brawner Jr.; Army acting chief of staff Maj. Gen. Roy Galido, Deputy Chief of Staff for Intelligence of the AFP Maj. Gen. Romulo Manuel at Deputy Chief of Staff for Civil Military Operations Brig. Gen. Nolasco Mempin hinggil sa isyu.
Inirefer naman ng Korte Suprema ang naturang petisyon sa Court Appeals at magkakaroon ng pagdinig hinggil dito sa August 30.
Samantala, ginawaran din ng temporary protection order ang mga petitioners at immediate families nito dahilan para bawal lumapit sa one-kilometer radius ang mga pinagpapaliwang na opisyal.