Nagtulong-tulong ang labing-apat na associate justice ng Korte Suprema sa paglulunsad kanina ng community pantry, kasabay ng ika-120 anibersaryo ng Supreme Court ngayong araw.
Ito ay mula mismo sa pinagsama-samang personal na pinansyal at donasyon ng mga mahistrado sa nasabing pantry.
Ang nasabing community pantry ay may slogan na “PAGKALINGA SA KAPWA: HIGIT LABING-APAT, MULA SA LABING-APAT” dahil umabot sa labing-apat na toneladang iba’t ibang klase ng mga gulay ang binili ng Korte Suprema sa mga magsasaka at ito ang kanilang ipinamahagi sa mga benepisyaryo.
Kabilang sa mga nabiyayaan ng ayuda ay ang mga pasyente sa indigent ward ng Philippine General Hospital (PGH), Manila Police District (MPD), at binigyan din maging ang community pantries sa buong National Capital Region (NCR).