MANILA – Nagpatawag ng oral argument ang Korte Suprema bukas (Marso 17) para dinggin ang pag-iisyu ng voter’s receipt sa halalan.Ayon kay sc Spokesperson Atty. Thedore Te, kasunod ito ng inihaing motion for reconsideration ng Comelec na humihiling na baligtarin ang naunang desisyon.Nagpasalamat si Comelec Chairman Andres Bautista sa desisyon ng Korte Suprema na pakinggan ang panig nila.Nagbabala naman si Kontra Daya Convenor Prof. Danny Arao sa tila pangho-hostage ng Comelec sa taumbayan dahil sa pagbabanta nito na posibleng ipagpaliban ang halalan.(Lou Catherine Panganiban – DZXL 558)
Facebook Comments