Korte Suprema, nagpatupad ng reorganization sa mga division nito kasunod ng pagkakatalaga kay bagong Justice Jhosep Lopez

Nagpatupad ang Korte Suprema ng reorganization sa mga division nito kasunod ng pagkakatalaga kay Justice Jhosep Lopez bilang ika-190 na mahistrado ng Supreme Court.

Bunga nito, ang First Division ay binubuo na nina Chief Justice Diosdado Peralta bilang Chairperson, Working Chairperson naman si Justice Alfredo Benjamin S. Caguioa at mga miyembro sina Justices Rosmari D. Carandang, Rodil V. Zalameda at Samuel H. Gaerlan.

Ang Second Division naman ay binubuo nina Justice Estela M. Perlas-Bernabe bilang Chairperson habang ang mga miyembro ay sina Justices Alexander G. Gesmundo, Amy C. Lazaro-Javier, Mario V. Lopez at Ricardo R. Rosario.


Si Justice Marvic Mario Victor F. Leonen naman ang Chairperson ng Third Division at ang mga miyembro ay sina Justices Ramon Paul L. Hernando, Henri Jean Paul B. Inting, Edgardo L. Delos Santos at Jhosep Y. Lopez.

Facebook Comments