
Inanunsiyo ng Korte Suprema na suspendido na ang pasok sa kanilang tanggapan at sa ilang korte sa kalakhang Maynila.
Ito ay matapos ipag-utos ni Chief Justice Alexander Gesmundo ang suspensiyon sa pasok ng mga Korte sa National Capital Judicial Region simula kaninang ala-una ng hapon.
Bunsod pa rin yan ng masamang panahon dala ng habagat.
Bukod diyan, suspendido rin ang pasok sa mga korte sa Hall of Justice, Dagupan City, Pangasinan
At lahat ng mga korte sa Antipolo City, Cainta, Taytay, San Mateo at Rodriguez sa lalawigan ng Rizal.
Facebook Comments









