Korte Suprema, nagsuspindido na ng pasok ngayong araw

Suspendido na ang pasok sa Korte Suprema ngayong araw, August 28, 2024.

Ang nasabing anunsiyo ay base sa desisyon ni Acting Chief Justice Marvic MVF Leonen dahil sa inaasahang pagbaha sa ilang lugar sa Metro Manila.

Ang mga personnel naman na kabilang sa tinatawag na essential services ay tuloy pa rin ang pasok sa mga opisina.


Ang mga korte at ibang tanggapan nito ay nasa diskresyon naman ng mga hukom na nakatalaga dito kung magsususpindi ng pasok o hindi.

Ang mga presiding judges na rin ang bahalang mag-desisyon kung magkakansela o ire-schedule ng mga hearing o ipagpapatuloy pa din ito kahit pa masama ang lagay ng panahon.

Facebook Comments