Korte Suprema, nagtakda na ng oral arguments sa mga petisyon kontra Anti-Terror Law; anim na bagong petitions, pinako-consolidate na rin

Itinakda na ng Supreme Court En Banc ang oral arguments sa mga petisyon kontra Anti-Terrorism Act.

Sa ikatlong linggo ng September ang oral arguments sa nasabing mga petisyon bagamat pa-plantsahin pa ng mga mahistrado ang eksaktong petsa nito.

Ipinag-utos din ng Korte Suprema ang pag-consolidate sa anim na huling petitions na inihain sa Supreme Court.


Inatasan din ang respondents na magkomento sa huling anim na petitions sa loob ng sampung araw.

Sa ngayon, umaabot na sa kabuuang 27 petitions laban sa Anti-Terror Law ang naihain sa Korte Suprema ng ibat ibang sektor.

Ang naturang petitioners ay kapwa humirit sa Supreme Court na magtakda ng oral arguments.

Kasabay nito , hiniling din ng petitioners ang pagdedeklara sa nasabing batas bilang unconstitutional dahil sa labag daw ito sa karapatang pantao at sa ilang probisyon ng 1987 Constitution partikular ang Bill of Rights.

Respondents sa mga petisyon ang Anti-Terrorism Council, Senado, Kamara at ilang miyembro ng gabinete ng Pangulong Rodrigo Duterte.

Facebook Comments