Korte Suprema, nagtakda ng oral argument kaugnay sa rehabilitasyon ng Manila Bay

Nagtakda ng oral argument ang Korte Suprema patungkol sa usapin ng rehabilitasyon ng Manila Bay.

Ayon sa Supreme Court Public Information Office, kailangang magtungo sa Korte Suprema ang lahat ng ahensiya ng pamahalaan na kabilang sa rehabilitasyon ng Manila Bay sa September 30.

Kabilang sa mga ahensiyang ito ay ang:
– Metropolitan Manila Development Authority
– Department of Environment and Natural Resources
– Department of Education
– Department of Health
– Department of Agriculture
– Department of Public Works and Highways
– Department of Budget and Management
– Philippine Coast Guard
– Philippine National Police Maritime Group
– Department of Interior and Local Government
– Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
– Metropolitan Waterworks and Sewerage System


Nais malaman ng Korte Suprema ang mga hakbang ng mga naturang ahensiya upang matanggal ang polusyon sa Manila Bay.

Gayundin ang estratehiyang ipinatutupad ng pamahalaan upang sundin ang kanilang mandato na linisin at ayusin ang Manila Bay at gawing ligtas ang tubig upang maging angkop at ligtas ng paglanguyan.

Tatalakayin din sa oral argument ang mga makatotohanang target o plano sa susunod na limang taon; ongoing reclamations at assessment sa epekto nito sa sa kanilang paligid lalo na sa polusyon.

Facebook Comments