Korte Suprema, nanindigan sa pagpapahintulot sa pagkakaroon ng plea bargaining sa drug cases

Manila, Philippines – Nanindigan ang Korte Suprema sa desisyon nito na nagpapahintulot sa plea bargaining sa drug cases.

Ang desisyon ng Supreme Court ay kasunod ng petition na inihain ng detainee na si Salvador Estipona Jr.

Si Estipona ay nahaharap kasong illegal possession of prohibited drugs matapos mahulihan ng 0.084 grams ng shabu.


Ang kanyang plea bargain motion ay binasura ni Judge Frank Librogo ng Legazpi City Regional Trial Court Branch 3.

Ayon sa Korte Suprema, ang plea bargaining ay hindi naman nangangahulugan na ang isang sentensyado ay mapapatawan ng mas magaan na parusa.

Facebook Comments