Nilinaw ng Korte Suprema na hindi ang Korte Suprema ang nag-utos na mapalaya si Dating Calauan Laguna MAyor Antonio Sanchez.
Nilinaw ni Supreme Court Spokesman Atty. Brian Hosaka na ang pangunahing isyu na tinalakay ng Korte Suprema ay ang ligalidad ng Implementing Rules and Regulation o IRR ng R.A. 10592 o ang Good Conduct Time Allowance na nagpapa-igsi ng panahaon ng pagkakakulong ng isang Person Deprived of Liberty o PDL tulad ni Sanchez.
Kaugnay ito ng naging petisyon ng ilang mga inmates ng Bilibid at ng Free Legal Assistance Group o FLAG.
Ayon pa sa SC, hindi ang Korte Suprema ang nagpapatupad ng RA 10592 na ginawa ng Kongreso kundi ininterpret lamang nila ang nilalaman ng batas.
Facebook Comments