Korte Suprema, pinaghahadaan na ang mga petisyon na posibleng ihain ng mga grupong kontra sa Anti-Terror Bill

Tiniyak ni Supreme Court Chief Justice Diosdado Peralta na pinaghahandaan na ng Korte Suprema ang anumang petisyon na ihahain laban sa kontrobersyal na Anti-Terror Bill.

Sa kanyang virtual press conference, sinabi ni Peralta na inaasahan na nilang dadagsa ang mga petisyon kontra Anti-Terror Bill, lalo na kapag naging ganap na itong batas.

Ayon kay Peralta, kahit sinong maaapektuhan nito ay maaaring mag-petisyon para kwestyunin ang constitutionality nito.


Nilinaw din ni Peralta na naka-depende sa mga mahistrado kung gagamit ng video conferencing sa pagtalakay sa petisyon.

Aalamin din kung magtatakda ng oral arguments at ito ay magiging depende sa mga argumentong idudulog sa Korte Suprema.

Gayundin aniya, depende ito sa magiging komento ng Office of the Solicitor General.

Facebook Comments