Korte Suprema, pinagtibay ang unconstitutionality ng Joint Marine Seismic Undertaking na isinasagawa ng Philippines, Vietnamese at Chinese oil firms

Pinagtibay ng Korte Suprema ang unconstitutionality ng Joint Marine Seismic Undertaking sa pagitan ng mga kompanya ng langis ng estado ng China, Vietnam at Pilipinas sa paligid ng South China Sea.

Pinal na ibinasura ng SC ang Motion for Reconsideration na inihain ng respondents sa Office of the Solicitor General, dahil sa kakulangan ng merito.

Matatandaang noong June 10, 2023, sa botong 12-2-1, idineklara nang unconstitutional ng SC ang Tripartite Agreement para sa JMSU ng China National Offshore Oil Corporation (CNOOC), Vietnam Oil and Gas Corporation (PETROVIETNAM), at Philippine National Oil Company (PNOC).


Sakop ng agreement ang South China Sea area na nasa 142,886 square kilometers.

Ayon sa SC, labag sa konstitusyon ang JSMU na nagpapahintulot na lumahok sa exploration o paggalugad ng mga likas na yaman ng bansa ang mga dayuhang korporasyon nang hindi sinusunod ang mga proteksyong ibinigay sa Art. 12 Sec. 2 ng 1987 Constitution.

Facebook Comments